Tuesday, July 31, 2012

MINSAN



Minsan, naglakad ako. Naglakad nang naglakad. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Pero ang alam ko lang may patutunguhan ako. Ang hirap 'non no? Naglakad ka nang naglakad, pero hindi mo alam kung bakit, ang alam mo lang, may pupuntahan ka. Sapat na ba 'tong ginagawa ko? Sapat na ba ang mga hakbang ko?  

Minsan, naisip ko, may mapapala kaya ako sa kakalakad? Ewan ko. Ang alam ko lang, hindi ako tumitigil.  Ba't naman ako titigil? At sino ang walang hiyang gustong humadlang sa 'kin? Wala naman diba? At kung meron man. Mauna ka na. Hindi naman to kareka. Chill lang. Kaya, lakad lang. Lakad lang. Malay mo, may marating ka. Pero ang mahirap, hindi mo alam kung saan.

Minsan, naligaw ako. Ewan ko. Madilim 'yong daan. Malamig. Pero ayon, naglakad lang ako nang naglakad. Ayokong tumigil. Gusto kong makarating sa aking paroroonan. Pero bakit ganun? Wala akong nakita. Sobrang dilim. Wala akong nakitang liwanag. Pero sinabi ko, itutuloy ko 'to. Ayun, nabigo ako. Naglakad akong nakadilat pero wala naman akong nakita. Nadapa ako. Nasugatan. Pero bumangon.  Hindi ko alam kung bakit ko tinuloy. Basta ang alam ko, ayokong sumuko. Ba't naman ako susuko? Parang ang tanga lang ano? Naglakad sa dilim.  

Minsan, natauhan ako. Ewan ko. Bigla lang akong nagising, Nagising sa napaka-monotonous na takbo ng buhay ko. Paulit-ulit. Nakakasawa! Natauhan ako. Ba't ako naglalakad? Pwede naman ako tumakbo. Sana dati pa. Pero naisip ko. Ayoko  din magmadali. Baka may maiwan ako. Pero eto, tuloy lang. Nakikiayon sa agos ng mga pangyayari at handang tumakbo sa tamang panahon. Ganun naman ang buhay eh. Kung oras mo, oras mo. 'Wag nang pilitin. Masakit mabigo. 

Minsan, wala akong magawa. Kaya naglakad ako. Sa aking paglalakad maraming tanong ang nabuo sa aking utak. Mga tanong na hindi ko sigurado ang mga sagot. Mga sagot na pilit kong hinahanap. Ayoko na din pilitin. Kasi mahirap 'yon. Kaya eto ako. Naghihintay. Hinihintay ang mga sagot sa mga tanong na aking naisip, naiisip, at iniisip. 

Minsan, natanong ko: Gaano kadalas ang MINSAN? 



5 comments:

  1. Napaisip din ako. Ano nga kaya ano? :) Lakad lang tayo ng lakad, may matutunguhan din bawat hakbang.

    ReplyDelete
  2. Naks naman. May pag comment. Hahahaha. Meron naman. Kaya nga hakbang diba? May movement na naganap. Twelve inches away nga lang. Pero pag inipon mo lahat ng twelve inches, dami dami ng hakbang 'yon. 5000 miles. LOL.

    ReplyDelete
  3. Nayswan! Sa bawat nilalakaran mo may mapupulot ka na dung mga sagot sa mga tanong mong naisip, naiisip at iniisip. :D - @callmeMargil

    ReplyDelete
  4. Minsan, hindi lang sagot. Minsan, nakakaapak pa ng ebak. Hahaha.

    ReplyDelete
  5. Poetic na ah! Ayooos to. Nakakapagisip. :)) nice one fle!

    ReplyDelete