Friday, August 30, 2013

Tao: Isang Tagulaylay



"Ito'y maaaring kasaysayan ko, 

kasaysayan mo,

kasaysayan niyo
,
kasaysayan nating lahat!"

-Tao


                     'Yung bilib ko sa play nila, grabe. Gandang-ganda ako. Ang ganda ng musika, iba pala talaga pag-live. Ibang-iba. Tapos ang costume, bongga! Ang set, kakaiba. Simple lang, pero maganda sa mata. Pero ang pinakanabiliban ko ay ang pag-arte ng bawat karakter at higit sa lahat ang kwento. 'Yung kwento na tipong mapapatango ka sa bawat linyang binibigkas ng bawat karakter sa eksena. At matutuwa ka kasi bawat isa'y nabigyan ng pagkakataong magningning. Masasabi mo ngang may kwenta ang pagiging competitive ng bawat isa sa kanilang klase. Kaiba. Haha.

                       Sinadya ko talagang hindi panoorin ang run-throughs nila. Ayoko kasi, gusto ko ma-surprise. At na-surprise naman talaga ako. 




Galing ng gumanap na "Kamatayan" minsan lang siya lumalabas sa eksena pero kikilabutan ko. 


Galing ni Anj, kahit di ako nakabili ng ticket na binebenta nya. Feel na feel nya yung blue dress nya. Haha.



Ito ata ang pinakamabentang eksena ng Act 1. Dami kong tawa sa kanilang tatlo, lalo na kay Pakikisama No. 3. Yung naka-kulay kahel na bulaklaking damit. Ang benta.



Ang ganda ng costumes ng bawat karakter sa 7 Deadly Sins. 





"Parang sssssawa.

Kapag nabubusong, matutulog.

Kasalanan maging tamad."

Ito yung parte ng play na inantok ako. Hindi dahil sa hindi na ako natutuwa pero dahil
 nakakadala ang pag-arte ni Sloth. Tinamad ako bigla. 



Ewan ko sa'yo Loti. Natuwa talaga ako. 


Medyo na guilty ako dito. Medyo matakaw kasi ako. Medyo lang. Kasalanan pala ang pagiging matakaw. Nakakalungkot naman.


Ang landi lang ni Ate. Mahilig daw siya sa masalap. 







Galing din ni Kuya Arvin, master na niya ang Theater Arts.



Paboritong kuha ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero natuwa ako. Sinaksak ni Diablo si Tao dito at naghabulan sila ni Anghel. Medyo natuwa ako kasi kuhang-kuha yung pagmamadali ni Diablo na makatakas.




Sobrang galing din ni Tao! Babae 'yan sa totoong buhay, pero nakuha nyang maging lalaki sa loob ng anim na oras. Nakakabilib! 

           Sa kabuuan, sobrang natuwa ako sa kanilang palabas. Ito'y kapupulutan ng aral na maaari mong gamitin sa araw-araw, oras-oras.. Ito ay tungkol sa buhay ng isang Tao na nagpapakita ng pangkahalatang karanasan ng sangkatauhan. Siguro, pag...




Sa December daw ulit!

No comments:

Post a Comment