Ano ba 'yan. Na s-stress na ako ng sobra-sobra. Nakakapagod pala talaga kapag wala kang kasama sa bahay. Lahat ng trabaho sa'yo. Salitan kami ni Anna sa mga gawaing bahay.Wala na akong time magpaganda.(pero maganda pa rin ako) Ang laki-laki na ng eyebags ko.Gutom na gutom na rin ang kaluluwa ko. Dalawang Linggo na kasi akong di nakapagsimba. Diyos ko! Patawirin nyo po ako. Susubukan kong magsimba sa school.
Tapos, nag grocery pa ako kanina. Malaki-laki din ang nagastos ko. Grabe lang. Hindi talaga ako magaling mag budget. Sana naman hindi ako maubusan ng pera. Hindi ko pa nagagawa ang mga Takdang-Aralin na ipapasa ngayong linggo.(Kakatapos ko lang i download ang Shallow Hal, kailangan kong panuorin ulit 'yon, para maging maganda ang ipapasa kong T.A). Hindi pa ako nakakapag-aral sa Spanish. (Sus, ba't pa kasi kailangan pag-aralan ang Spanish, buti sana kung sa Spain ako magtatrabaho, hindi naman eh.)
Tapos, kailangan ko pang gumising ng too early, para magawa ko ang mga dapat kong gawin. Magluto, magplantsa, maligo, at magligpit ng dapat ligpitin. (tapos ikakalat ko rin ulit).
Kailangan ko ring pumunta ng MOA bukas, may inutos kasi ang mabait kong kuya. Pero may kabayaran naman. Excited na rin ako sa Sabado. Sana matuloy kaming manuod ng Hp7/2. Sana, hindi pa sold out ang ticket.
O diba. Filipino na post ko ngayon. Nakakatamad ng mag-ingles. Inaantok na ako eh. Buenas Noches!
No comments:
Post a Comment